Maraming rason para maging masaya tayo sa mga simpleng bagay at mga simpleng paraan. Maging adventurous tayo sa ating sarili at sariling kakayahan.
Minsan may mga hinahanap tayong mga bagay pero di 'yon ang
sagot para maging masaya ka nang tuluyan. Baka imbis na maging masaya ka, baka
masaktan ka lang.
May pagkakataon ding naghahanap ka nang kausap pero di mo
alam kung nakikinig ba sayo o kaya naman natatakot kana baka imbis na payuhan
ka nya ay siraan ka pa. Kaya minsan mas ginugusto mong mapag-isa ka lang? Di
yan problema kaibigan.
Narito ang aking blog para tulungan ka sa iyong mga tanong
aking kaibigan. Ito ang mga paraan para mas maging masaya ka sa iyong buhay:
 |
Always remember YOLO (You Only Live Once)
|
May mga pagkakataon na nararamadaman mong ikaw ay nag-iisa,
walang kaibigan, pangit, nalulungkot at higit sa lahat ay walang nagmamahal.
Ngunit, sapat na ba ang mga rason na yan para mas piliin mong maging malungkot?
Hindi.
Tadaan mo, You Only Live Once kaya enjoyin mo lang ang
buhay! Wag mong sayangin ang bawat minuto sa kalungkutan ang buhay ay hiram
lamang.
Maraming maaring pwedeng gawin ang isang tulad mo, marami
kang pwedeng pagkaabalahan sa bawat oras. Maari kang gumala sa malls, parks, o
kung saan ka maaring sumaya. Go wherever you want whenever it is, just to make
sure you're happy whatever you do.
Pero may limitasyon pa rin ang lahat ng bagay, dapat
sinaaalang-alang mo ang mga bagay at mga taong madadamay sa mga ginagawa mo.
Dahil masayang maging masaya ng wala kang nasasaktang sinoman.
 |
Eat All You Can
|
Masama ba ang araw mo dahil maraming mga school works? Bad
trip ka ba dahil di ka pinansin ng crush mo? O kaya naman ng pasok?
Hayaan mo andyan sya para damayan ka, tutulungan ka nyang
maibsan ang sama ng loob mo dahil sa pangit na araw na dumating.
Kumain ka lang ng kumain ito ang paraan para maging masaya
ka. Nawawala na nga ang sama ng loob mo, nabusog ka pa.
God is good all the
time.
Kapag ika'y nalulumbay, nalilito, namomroblema ang Diyos ay
laging andyan para makinig sayo. Di sya mawawalan ng oras para makinig sa mga
problema mo.
Minsan sa hirap ng mga problema mo'y di mo na alam kung saan
ka huhugot ng lakas ng loob upang ipagpatuloy mo pa ang buhay mo at piliting
ngumiti sa hirap ng dinadanas mong sakit.
Siya ay laging nandyan, Diyos ang ating kadamay. Siya ang
magbibigay ng lakas ng loob sayo at magbibigay ng pag-asa sa darating na bukas.
Bastat wag kang mahihiyang lumapit sa kanya, manalig at
manalangin upang gabayan tayo sa ating daang tatahakin.
 |
Bonding with your
family and friends.
|
Hanap mo ba nang atensyon para may masabihan ng mga problema
mo? Kailangan mo ba nang kausap at makakasama dahil sa hinanakit mo sa "pangsi-seen
zone" sayo ni crush? Pare ingat ka, wag kang papakaen sa nabubulok na
sistema!
Minsan pero madalas, kapag may problema ka andyan ang iyong
mga kaibigan upang damayan ka. Mga problemang pag-ibig lalo na sa lumalaganap
ngayong panahon ng Selfie phenomenon o panahon ng melenials kung saan masyadong
nahuhumaling ang mga kabataan ngayon sa online chatting na makakahanap kana
nang kaibigan o kaya minsan pa'y napupunta pa sa ka-ibigan.
Huwag kang magsettle sa mga ganyang bulok na sistema
kaibigan. Mas mabuting bigyan mo nang oras ang sarili mo kaysa sa mga bagay na
tulad nyan. Binibigyan mo sila ng Problema ang sarili mo.
Kung may mga problema ka nand'yan ang iyong mga kaibigan
sila'y andyan para payuhan ka. At wag ka ring mahihiyang makipag-usap sa iyong
pamilya baka mas matulungan ka pa nila kung nahihirapan kana. Magbigay ka ng
oras sa mga taong malalapit sayo dahil sila ang makakatulong sayo sa mga
problemang mararanasan mo.
Ilan pa lamang ito sa mga paraan upang mas maging masaya ka
sa iyong buhay. Wag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay, maging masaya parati at
patuloy na mangarap ng mataas. Di man perpekto ang buhay natin pero di yun
rason para mawalan kana nang gana, makakamit natin ang pangarap bastat patuloy
na magtyaga't magsipag. Dahil ang tunay na kasiyahan ay nasa puso natin.